Inilabas na ang CCTV ng Barangay sa ginawang pananakit ng kampo ni Linda kay tatay Alexander

Comments · 2026 Views

Naging viral sa social media ang ginawang pagbubugbog kay tatay Alexander Gutal matapos pagbintangan ni alyas “Linda” ng pambabastos sa kaniya sa loob ng E-Jeep.

Sa kuha ng CCTV sa loob ng E-Jeep nagpaalaman na walang ginawang paghihipo si tatay Alexander bagkos siya ay na out-balance lang at agad naman inisip ni alyas “Linda” na may balak si tatay Alexander na hipuan siya.

Sa loob ng Barangay kung saan binugbog si tatay Alexander nakuhanan ang pangyayari pangbubugbog sa tulong ng CCTV.

Sa CCTV Video, makikita kung paano sinugod ng ama ni “Linda” si tatay Alexander. Mapapansin sa CCTV na inawat ng mga taga-barangay ang pamilya ni Linda dahil walang kalaban laban si tatay Alexander.

Ang masama pa nito, ay hindi lamang ang ama ni linda ang sumugod kay tatay Alexander kundi maging ang mga kasamahang lalaki nito na sumugod rin sa barangay.

Ang kuha ng CCTV sa loob ng Barangay tugma sa mga sinasabi ni tatay Alexander sa panayam sa kaniya ni Idol Raffy Tulfo In Action nang pumunta siya at humingi ng tulong.

Sa CCTV makikita rin ang ina ni Linda na parang umaaksyon rin kay tatay Alexander. Ngunit nung nasa Raffy Tulfo In Action ay nagmamakaawa ito kay tatay Alexander na wag na ituloy ang kaso.

Ang video na kuha loob ng Barangay ay inupload ng isang netizen na si Zolle Gupit at meron na itong 15 thousands reactions at 40 thousands shares.

Panuorin ang video na kuha sa loob ng Barangay:

 

 

 

 

Comments