Transcript re. Marcoleta’s Opening Statement in the ABS CBN Franchise Hearings

Comments · 893 Views

Transcript re. Marcoleta’s Opening Statement in the ABS CBN Franchise Hearings

Congressman Marcoleta's Opening Statement

Meron din ako prinepare na konti ring slides sana maipakita bago ako magpatuloy.

Pwede po, Dep Speaker, Marcoleta

(shows Kim Chu video of bawal lumabas)

Mr. Speaker, my distinguished colleagues, hindi po nag comply sa batas ang ABS CBN kaya hindi sila pwede lumabas at magpalabas.
Those opposing the franchise application of ABS CBN will show with clear and convincing evidence that ABS CBN did not comply with the terms and conditions of its franchise as well as our laws , the constitution, in fact they will show in the succeeding hearing of the committee on franchise and more so our laws and the constitution.
Matagal na po kasi ang mga alegasyong ito. Hindi mamatay matay, lumulutang sa internet, nasa labi ng mga Pilipino. Hindi seryosong bingyan ng pansin.

Bakit po?

Tikom ang bibig ng may kakayahang magsiwalat nito dahil takot sa may impluwensyang network na kayang sirain ang tao, kandidato man o hindi. Salamat at ganap na nanindigan si Speaker Alan Peter Cayetano at hindi inalintana ang mga tuligsa sa kanya, at pinayagan niya na magkaruon ng patas, bukas at malawakang pagdinig sa mga alegasyong ito katulad ng nagaganap sa araw na ito.
Ang banggit nga po sa John 8:32, “And you will know the truth and the truth will set you free.”
Violation of the Constitution.Franchise is longer than 50 years. Hindi na po dapat itong pagrerenew ng prankisa ng ABS CBN.Dapat na po isara ang pinto para sa kanila. Because the ABSCBN has been using the airwaves for more than 50 years. 53 years today, be exact. Our constitution says that Congress can grant a franchise of up to 50 years only.Taong 1957 nang makuha ni Don Eugenio Lopez ang Alto Broadcasting System o ABS. Simula po nung 1967 ay naging ABS CBN na po ang tawag dito na ito dahil sa merger ng ABS at CBN.Kung susumahin po natin ang prankisa nito simula nung 1967 ay 53 taon na po itong gumagamit ito ng airwaves magpahanggang nayon.63 years naman po kung susumahin natin mula po nung pagkakakuha ng CBN sa ABS nung 1957. The Committee on Legislative Franchises should not allow itself to be used by ABS CBN to again circumvent the constitution and violate the categorial 50 year limitation imposed on franchises.Hindi na po dapat buhaying muli ang prankisa ng ABS CBN sapagkat ayon sa ating saligang batas ang buhay ng prankisa ay hindi dapat lumampas ng 50ng taon.

EDSA Revolution.Siguro po may manganganatuwiran at sasabihin ng ganito: E isinara naman nung martial law ang ABS CBN. Di po ba? Dapat huwag bilangin ang panahon na yon.Tanggapin po natin sandali na isinara nga ang abs simula Sept 23 1972 pagkatapos na ideklara ang martial law. Pero di po ba nagbukas agad matapos na ito ay mabawing muli ng pamilya Lopez nung EDSA Revolution.Hindi ba't kulang-kulang 13 taon ang namagitan na panahon? So lets assume that, lets subtract 13 years from the 63 years that ABSCBN has been in operation starting 1957 when CBN acquired ABS. Hindi ba't 53 taon pa rin ang magiging resulta?Ibig sabihin hindi ba tapos na at paso pa rin ang prankisa ng ABS CBN with or without martial law? Hindi ba't sobra sobra pa rin ito at lalabag pa rin sa saligang batas?Naging palasak nga nung panahon ng martial law ang kantyaw na “Tama na. Sobra na.”?

Subalit ang mahalagang tanong po ng taong bayan na hindi pa nasasagot magpahanggang ngayon ay kung paano biglang nabawi ng mga Lopez ang ABS CBN mula sa pagaari ng gobyerno matapos na maitalga ang Cory Administration?

Sinulatan po nuon ni dating Senador Lorenzo Tanada ang Presidential Commission on Good Government na isoli na sa mga Lopez ang ABS CBN kahit may arbitration pang nagaganap sa pagitan ng pamahalaan at ABS CBN. Naiturn over po agad ang istasyon ng ABS CBN sa mga Lopez sa kabila ng wala pang pagtukoy sa tunay na pagmamayari nito, ayon sa kautusan sa Board of Administrators na binuo sa Letter of Instruction No. 1, ni Pangulong Cory Aquino.

Sa ngayon po ay wala man lang mailabas na papeles tunkol dito ang PCGG. Nagabayad nga po ba ang ABS CBN sa administrasyong Cory Aquino? Nag public bidding po ba? Bakit tila ura urada at habang magulo pa ang lahat dahil katatapos lang nag EDSA Revolution ay biglang napasakamay na muli nang mga Lopez ang ABS CBN?Nakabatay ba ito sa batas? Hindi po ba dapat sagutin ng ABS CBN ang mga tanong na ito upang mapanagot ang mga dapat nang managot kung meron man.

Foreign Ownership.
Puntahan naman po natin ang muling pagbubukas ng ABS CBN nung 1986. Pati po kasi nung panahon na iyon ay may paglabag na rin sa ating saligang batas. Ano po kaya yon? Dahil Amerikano at hindi Pilipino ang may ari at namahala sa ABS CBN, na mariing ipinagbabawal ng Saligang Batas.

Congress should deny the franchise application of ABS CBN for its clear violation of the constitution requiring 100% Filipino ownership and management of mass media companies.

ABS CBN's former president Mr. Eugenio “Gabby” Lopez III was an American citizen when he took the helm of the company in 1986 as director, then president and then chairman in the later years. It was only in 2000 that he petitioned for recognition of Filipino citizenship and was issued a certificate of recognition as a Filipino citizen in 2002.

At kahit sabihin po natin wala na ngayon sa management ng ABS CBN si Ginoong Gabby Lopez nagpatuloy pa rin ba sa paglabag sa saligang batas ang ABS CBN? Opo. Dahil magpahanggang ngayon ay nagbebenta pa po sila sa mga banyaga, mga hindi Pilipino, ng pagaari o ownership rights ng ABS CBN.
Through an intricate web of corporate layering ABS CBN lets non Filipinos to own its common shares through the issuance of Philippine Depositary Receipts or PDRs.

In Sept 1999 the ABS CBN holdings corporation offered 132M PDRs underlying the 132 M common shares of ABS CBN immediately prior to the closing of the PDR's offering. Lopez Incorporated, the main stockholder of ABS CBN Corporation, transferred 132 M ABS CBN shares to ABS CBN Holding Corporation, its alter ego.

With the many rights afforded to the holders of these PDRs most of whom, if not all, foreigners ABS CBN virtually allowed these foreign holders beneficial ownership and potential voting rights. This is a circumvention of the strict foreign equity restriction imposed by the constitution on mass media companies.
Quite obviously the ABS CBN PDR instrument a creative financial mechanism is being used as a subterfuge to indirectly own the underlying ABS CBN shares of stock.
4. Violation of Workers Rights under the Constitution.
ABS CBN violated the rights of its own workers. It denied them their just share of production as required by the constitution. It committed unfair labor practices which consequently denied its workers the benefits required by law to be provided to all employees.

Isang halimbawa po dito ay ang asuntong isinampa ng halos isang daan o mahigit higit sa isang daan manggagawa ng ABS CBN sa National Labor Relations Commission dahil sa pagtanggal sa kanila. Dahil sila raw ay mga “talents” lamang at hindi mga regular na empleyado.

Nanalo po ang mga manggagawa sa NLRC at maging sa Court of Appeals. Bakit hindi na lang nila sinunod ang hatol at umapila pa ang ABS CBN sa Korte Suprema?
Ito ba yung sinasabi po kanina sa opening salvo na ang pagmamahal sa kanilang Kapamilya ay ganun na lamang?

Mali naman po yata na sabihin ng ABS CBN na lampas sa 11 thousand ang mga emplayado nito dahil kung ito ay masusi nating iimbestigahan may 2661 lamang , 2661 ang regular na empleyado nito.

Ang karamihan po o mahigit na 8 na kawani ng abs cbn ay tinagurian nilang independent contractors o talents project workers at contractuals lamang kahit pang regular na empleyo ang trabaho nila.

Ayon po sa ating Labor Code kapag pang regular ang tunkulin ng isang manggagawa dapat siyang gawing regular employee. Hindi dapat contractual. Hindi dapat independent contractor, talent o kaya'y project worker lang. Malinaw na labag sa batas ang ginagawa ng abs cbn.

Sana ay ibalita rin ito ng TV Patrol upang mabunyag ang libulibong “endo” sa kanilang bakuran.

ABS CBN has not regularized its contractual workers and talents despite performing the functions of regular workers. It even forced some of its workers to sign employment contracts containing waiver of the right to regularization. And those who refused were unceremoniously terminated from work.

ABS CBN has subcontracted most its production work to subcontractor production companies despite the fact that production is directly related to its core business. These production entities are paid minimally whose workers obviously get lesser benefits and take home pay, compared to ABS CBN's regular employees and yet the profit generated by ABS CBN from its independent production companies appear greater than its expenses especially those expenses that are even deductible for income tax purposes.

Kung kayat hindi po maikakaila sa publiko na napakaraming nang labor cases na hinarap at haharapin pa ng ABS CBN. Ang masaklap pa po dito, ni hindi nagbibigay ng kontribusyon ang ABS CBN para sa benepisyo ng kanilang mga empleyado.
Dahil po sa 2,661 lang ang regular employees nito. Ang mga ito lang ang may benipsyo, ang iba po na mahigit 8,500 na nagtratrabaho sa ABS CBN ay wala po ni katiting na government mandated benefits na natatanggap katulad ng SSS, Philhealth o kaya Pag Ibig.
Kanina po sa opening salvo narinig po natin na ang kanila pong isinasakalan ang kanilang pong mga kawani, mga manggagawa. Ang kongreso pong ito ay nakikidalamhati. Nalulunkot din po. Bakit naman po hindi?
Kung pwede po natin ipaghalimbawa sandali lamang po, ang ABS CBN sa isang jeepney driver. Alam po niya na wala siyang prankisa, nagsakay po siya ng napakaraming pasahero.Yung mga pasahero naman po bago sumakay dun hindi naman niya tatanungin sa driver, “Mamang driver, mamang tsuper, kayo po ba ay may prankisa? Iyang rota po ba ninyo pinapayagan yan?” Wala pong nagtatanung na ganun kasi mabilisan yan, eh. Parepareho pong nagmamadali.

Eh nun pong masita siya ng LTFRB, gagamitin po ba ng driver na yun o nung taxi driver na yun o nung bus operator na yon, “Kawawa naman yung pasahero namin kung patitigilin mo ako ngayon. Meron pupunta sa ospital, meron pong pupunta sa trabaho, meron pong pupunta sa iskwela napakarami ng gagawin ng mga taong ito.”

Ito ba yung ibibigay ninyong halimbawa? Hindi po ba dapat kayo ang kaunaunahan na nagisip ng kapakanan nila? Nilagay ninyo sa magandang kalagayan ang pagtutupad ng prankisa ninyo. At wala pong malalagay sa alanganin? Wag po ninyong isasankalan ngayon ang inyong mga manggagawa at kanikanilang pamilya. Hindi po ganun. Sasagutin po ninyo ang mga alegasyong ito, hindi sa pamamagitan ng emotional appeal.

If this indeed is the true House of the People, the Committee on Legislative Franchises must side with the poor workers of ABS CBN in denying its franchise, justice to them will be finally served although ironically this will also entail some sacrifice on their part.

5. Political bias.
ABS CBN has been biased and partisan in favor of particular candidates and against certain candidates during the 2010 and 2016 presidential elections contrary to the terms of its franchise and in violation of the Omnibus Election Code.
Hindi naman po lingid sa kaalaman ng marami kung hindi man lahat kung papano naging pro Noynoy Aquino ang ABS CBN nung 2010, at pro Grace Poe at Leni Robredo naman nung 2016.
It is also a matter of record that ABS CBN failed to air some of Presiden Duterte's political advertisements during the 2016 campaign period despite receiving the payment for said political ads.
Ang masakit po dito, kung hindi pa sila pinigalan ng Korte sa pamamagitan ng isang TRO ay nakahanda na palang ipalabas ng ABS CBN sa bisperas mismo ng pagtatapos ng campaign period ng 2016 presidential election ang mga Anti Duterte advertisement na binayaran ng isang dating senador

Sinadya ang timing para hindi bigyan ng pagkakataon makasagot pa si mayor duterte na nuon ay kandidato bilang presidente. Mabuti na lamang at napahinuhod ang Korte ng petition ni Speaker Alan Peter Cayetano na nuon po ay vice presidential candidate ni Pangulong Duterte at dagliang nag isyu ng TRO ang Korte sa ABS CBN. It is now a public knowledge that President Rodrigo Duterte and Speaker Alan Peter Cayetano expressed their disappointments over ABS CBN's unfair reportings and meddling in previous elections.
For those opposing the franchise application, hindi na po dapat payagan ang ABS CBN na muling pakialaman ang politika sa ating bansa. Panahon na para ang taong bayan ang pumili ng mga mamumuno na gusto nila at hindi ang napipisil ng ABS CBN.
Paalala lang po sa ABS CBN, you are a broadcasting company not a political king maker. Either you play ball or you play fair.
=5. Multiple channels in one franchise.
Mga kababayan, inabuso po ng ABS CBN ang kanilang prankisa.

Sa hindi nila maipalawanag na dahilan, o maaari namang sinadya, na gamitin ang kaniyang prankisa para sa isang channel lamang, pero gumamit pa ng ibang prankisa ng telekomunikasyon na hindi naman pang broadcast, upang mas kumita, makapag benta sa pamamagitan ng maraming channels.

ABS CBN violated the terms and conditions of its franchise by offering its tv plus boxes for a one time fee, but using the free to air signal authorized in the franchise granted by congress at no cost to ABS CBN. Tubong lugaw ika nga. That this practice of ABS CBN without permission from Congress or the National Telecommunications Commission is killing the cable industry which depends on monthly pay subscription of its clientele.

At bukod po sa pagbebenta ng TVPlus box sa publiko sa Kapamilya Box Office channel na nakapaloob dito ay nagawa pang maningil ang ABS CBN sa bawat pelikulang gustong mapanuod ng publiko sa KBO channel. Ibinenta na nga ang TVPlus box ibinenta pa rin ang mga pelikulang mapapanuod sa TV Plus box. Dobleng tubong lugaw na ito. Hindi po saklaw ang mga ito sa prankisang ipinagkaloob ng kongreso sa abs cbn.

ABS CBN contrary to the terms and conditions of its franchise operated this pay per view channel otherwise known as the Kapamilya Box Office or KBO without a valid permit from the NTC and despite NTC's order to refrain from operating a PPV until the issuance of an appropriate guideline for the same, ABS CBN continued its operation until the expiration of its franchise until May 4 2020.

6. Tax Evasion

ABS CBN also violated the terms and conditions of its franchise by engaging in tax avoidance schemes which deprived the government of much needed revenue. It used its wholly owned subsidiary Big Dipper Digital Content and Design Inc a PEZA registered company as tax shield its main customer is abs cbn Hungary and bec of this unconscionable tax avoidance scheme abs cbn alleged effective tax rate in 2018 was at -5 percent. this means that abs cbn managed to avoid paying taxes in 2018.
Bakit po ang GMA 7 na hindi kasing laki o kasing yaman ng abs cbn ay nakapag bayad ng buwis sa pamahaalaan ng 1.6B pesos nung 2018? Samantalang ang mala alamat na ABS CBN ay walang binayarang buwis? Bakit naman naka libre ang ABS CBN nuong 2018 sa negative income tax nila na 84M?

Ibig sabihin po nito ay may tax credit pa ang ABS CBN at ang gobyerno pa ang lumalabas na may utang dito. Wala pong pagkakaiba ito, mga kababayan, sa isang taong nangutang sa tindahan, binigyan pa ito ng sukli.

In 2019 ABS CBN again did not pay its rightful taxes. It avoided this by entering into compromise agreement with the BIR with the latter accepting the settlement of P153M plus plus, equivalent to only 40% of its assessed deficiency in income tax, value added tax and documentary stamp tax payments. But this is only one among the four other cases lodged in the court of tax appeals all of which were also settled by compromise.

Bakit po ganun? hindi po ba nandun sa prankisa ng abs cbn na babayaran nila lahat ang rightful taxes? Kinakailangan po bang sila ay habla pa ng bir bagp sila pilitan na makapag bayad lamang., kahit settlement lamang. Ang linaw po ng kanilang prankisa na babayaran lahat ng kaukulang buwis. Bakit kailangan pong sila ay ihabla idemanda pa ng BIR para lamang sila ay makapag bayad.

There are also allegations to date that ABS CBN Linkod Kapamilya Foundation ALKFI is being used by ABS CBN as tax shield and that ALKFI also failed to file donors tax return and pay the donors tax.
Ito po ang mas nakalulunkot dito. Kapag politiko o government official ang nag kawang gawa “epal” ang taawag dito ng ABS CBN. Kahit mula pa sa sariling bulsa ng politiko ang pinanggalingan nito.
Pero kapag ito ay galing sa Linkod Kapamilya, puro pangalan ng ABS CBN ang kanilang pinanagnaglangdakan katulad po ng nakita natin ngayon.

Alam naman natin na galing naman sa mga donors ang pondo na ginamit nila. Meron po kaya nanggaling sa yaman ng abs cbn?

Di baling ang pantulong ng ABS CBN ay galing sa donasyon ng ibang tao. Di baleng ang perang pantulong ay galing sa tax avoidance ng kumpanya. Ang mahalaga ay mapalabas nila sa mamamayan katulad po ng nakita natin ngayon na napaka buti at napaka bait ng abs cbn.
Kami po ay naniniwala na unti unting na pong nabubuksan ang katutohanan sa ating mga mamamayan. Hindi po ba mas maganda at katanggap tanggap na tumulong sa kapwa ng walang nalalabag na batas, at buong sikap pang nasusunod ang prankisa?

Dahil po ba kayo ay nakapagdudulot ng saya, ng aliw sa ating mamamayan, dahil po ba kayo'y nakapagbibigay ng inspiration ng pagasa, ng katatagan ng loob ng katulad ng nakikita kanina sa opening salvo hindi na po ba natin susunudin o tutuparin isasaalang alang ang ating mga batas, ang ating saligang batas o kaya ang prankisa ninyo? Makakapagpasaya naman po tayo eh, makakapag inspire po tayo ng hindi tayo lumalabag sa batas.

The House of Representatives should endeavor not to grant the franchise application of abs cbn because it has deliberately flouted the constitution and other related laws. Even the terms and conditions of its previous franchise to suit its own business and political interests but to the prejudice of the greater good.
The grant of a legislative franchise is merely a privilege and not a matter of right. congress has the exclusive constitutional authority to award, alter or revoke this privilege when the common good so requires, as in this particular case of abs cbn.
We believe that it is but right for the house of representatives to deny this time the franchise of abs cbn for flagrantly violating the constitution and related laws even its own franchise making it unworthy of the grant of this special privilege by the state.
(Shows video of Vice Ganda challenging Pastor Quiboloy to stop Ang Probinsyano)

(Shows video of Pastor Quiboloy? Saying not just Ang Probinsyano but the network as well)

Mr. Speaker, ABS CBN posed the challenge. Obviously the challenge was accepted,. There is no reason to complain.

Comments