Makukulong Si Tatay Pag Hindi Nagsustento?

Comments · 3458 Views

REPUBLIC ACT NO. 9262 ⚖ <br>(Anti-Violence Against Women and their Children Act)

GOOD TO KNOW

1. You should know the whereabouts of the father of your child. (The exact home address or work location)

2. Your children should be 18 years old and below.

3. Go to a Police Station sa Women's Desk sabihin nyo na magfafile kayo ng RA9262 under ng economic abuse.

The process... after ng blotter ng police sila na ang mag aakyat ng kaso sa prosecutor's office then ang procecutor ang magpapadala ng subpoena sa tatay ng anak mo at kailangan sagutin nya ang reklamo mo then from there the prosecutor will explain the gravity of the case and punishment if hindi mag susustento ang tatay sa kanyang anak.

RA9262 is a criminal case meaning may kulong pag napatunayan na walang sustentong ibinibigay ang ama sa kanyang anak. 6 years to 12 years imprisonment.

Very convenient for the victim dahil hindi ito gaanong magastos na proseso. Bakit sinabi ko na walang masyadong gastos?

1. No need for a lawyer, ang prosecutor ang magiging abugado nyo.

2. Ang RA9262 ay walang filling fee sa court, wala kang babayaran para mag file ng kaso.

Lets go back to the procedure.. most of the defendant ng RA9262 ay ayaw makulong kaya ang gagawin magsusustento na lang and make sure na pag nangako syang mag sustento this should be in writing para walang lusot.

Common Questions:

1. Pano pag lumaban sa korte?
Madali lang yon kung wala syang proof na nag susustento sya REGULARLY tapos na agad ang kaso.

2. Pano kung may pamilya na sya?
Regardless sa status ng anak nyo legitimate or illegitimate. Your child has the right for support karapatan ng nga anak nyo yon. Mabigat ang batas ng RA9262 madaling proseso, wag nyong hayaan na maging irresponsable ang tatay ng mga anak nyo.

ANG BATA O ANAK NA ISINILANG NA HINDI KASAL ANG MAGULANG AY MAY KARAPATAN SA SUPORTA NG MAGULANG AT MAY KARAPATAN NA TUMANGGAP NG MANA KATUMBAS SA KALAHATI NG MATATANGGAP NG ISANG LEHITIMONG ANAK NG TATAY. ANG HINDI PAGSUPORTA SA ISANG ILLEGITIMATE CHILD AY MAY PARUSANG KULONG UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262.

ANG HINDI PAGSUPORTA NG TATAY SA ILLEGITIMATE NA ANAK AY HINDI DAHILAN UPANG IPAGKAIT ANG PAGPAPAKITA/PAGBISITA SA BATA AT ANG PAGSUPORTA SA BATA AY HINDI RIN DAHILAN UPANG SAPILITANG KUNIN NG TATAY ANG ILLEGITIMATE NA ANAK SA KANYANG NANAY, DAHIL ANG NANAY ANG MAY SOLE PARENTAL AUTHORITY SA BATA.

Meron na ba kayong na-encounter kung saan ginagawang kundisyon ng tatay na ibigay sa kanya o kunin ang illegitimate child mula sa nanay at kung hindi ibibigay ay hindi niya susuportahan ang bata? Meron din naman na mga nanay ng illegitimate child na pinagkakait ang pagpapakita o pagbisita ng tatay sa kanilang anak dahil hindi o maliit ang kanyang suporta.

Akala ng iba na ang kasal ng magulang ay isang requirement upang magkaroon ng karapatan sa suporta ang isang bata mula sa tatay. Kahit hindi kasal ang mga magulang ng bata ay may karapatan ang isang illegitimate child sa suporta ng tatay. Meron din siyang karapatan na tumanggap ng mana mula sa tatay katumbas ng kalahati ng mana na matatanggap ng isang legitimate child. Ito ay nasa Article 176 ng Family Code:

"Art. 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child. x x x"

Ang right to support ng isang anak ay wala dapat na kundisyon mula sa magulang kung kaya anuman ang gawin na kundisyon dito ay walang epekto sa batas. Dahil ang custody at parental authority ng isang illegitimate child ay binibigay sa nanay ng bata, ang tatay ng bata ay walang legal na basehan upang magbigay ng kundisyon para sa pagbibigay niya ng suporta. Ang isyu kung kasal o hindi ang magulang ay hindi mahalaga sa suporta dahil kahit hindi kasal ang mga magulang ay may karapatan ang anak o illegitimate child na humingi ng suporta sa mga magulang niya. Ang R.A. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa hindi pagbibigay ng lalaki ng suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae (kalive-in) at kanilang mga anak at ito ay tinatawag na "economic abuse". Ito ay naiiba sa "psychological abuse" o "physical abuse" na karampatang kaparusahan din. Ang krimen na ito ay applicable sa mag-asawa o magkalive-in, kasal man o hindi, kung saan merong anak sila. Kasama dito ang pagpaparusa sa hindi pagbibigay ng lalaki ng sapat o maayos na suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak.

Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ito ay isang uri ng "economic abuse" kung saan nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae gawa ng ginagawa ng lalaki. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (e) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “economic abuse” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng prision correcional (6 months - 6 years imprisonment).

#creditstotheowner #RA9262

Comments